Paggamit ng Avigan drug sa 100 COVID-19 patients, sinisilip na ng pamahalaan

Nakikipagtulungan na ang Department of Health (DOH) sa United Nations Office for Project Services para sa delivery ng Avigan doses na gagamitin sa clinical trials para malaman ang bisa nito laban sa COVID-19.

Sa kanyang weekly report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na target ng DOH na bigyan ng Avigan doses ang nasa 100 pasyente.

Isasagawa ang clinical trials sa Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.


Tinatayang nasa ₱18 milyon ang magagastos para sa clinical trials ng Avigan, o kilala rin sa gamot na Favipiravir mula Japan.

Nakasaad din sa report ng Pangulo na sinimulan na rin ng Philippine General Hospital ang pag-e-enroll sa mga pasyente para sa clinical trials naman ng Virgin Coconut Oil (VCO).

Facebook Comments