Paggamit ng basura bilang source of energy, pinag-aaralan na ng mga eksperto — DOE

Tinututukan na raw ng mga eksperto ang paggamit ng basura bilang source of energy.

Ayon sa Department of Energy (DOE), maging ang teknolohiyang waste to energy o WTE ay ikinokonsidera na rin ng mga eksperto.

Ito’y bilang solusyon sa problema sa basura lalo pa kapag natapos ang matinding pg-ulan at malawakang pagbaha na puwede namang gamitin bilang renewable energy.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng workshop ang Energy Department kasama ang mga eksperto mula sa Singapore at natalakay ang naturang isyu.

Napag-usapan din dito ang paggamit ng mahusay na teknolohiya, modelo sa pagpopondo at mga patakarang makatutulong para mapabilis ang pagpapatayo ng WTE facilities sa bansa.

Facebook Comments