Paggamit ng baton para sa mga pulis, pinababalik ni Pangulong Duterte

Plano ng pamahalaan na bumili ng rubber batons para sa mga pulis sa susunod na taon para mapalakas ang laban sa kriminalidad.

Sa kanyang ‘Talk to the Nation’ address, nais niyang ibalik ang mga baton para magamit ng mga awtoridad laban sa mga kriminal na nanlalaban.

Ipinagtataka ng Pangulo kung bakit hindi na ginagamit ito sa law enforcement operations.


Sa kanyang pagkakaalala, ‘multipurpose’ ang mga police batons.

Aniya, ito dapat ang unang huhugutin ng mga pulis bago ang baril.

Bukod dito, itinuturing din itong ‘first line of defense’ ng mga pulis para maiwasan silang saktan ng mga suspek o mahablot ang kanilang baril.

Kaugnay nito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang paggamit ng one-meter rattan sticks o yantok ay para matiyak ang physical distancing.

Facebook Comments