Paggamit ng benefit patient notice, iminungkahi ng isang mambabatas sa Philhealth

Upang maiwasan na ang anomalya tulad sa Wellmed Dialysis Center na kung saan kahit patay na ang pasyente ay nakakakuha pa rin ng claims sa Philippine Health Insurance (Philhealth), iminungkahi ni House Committee on Health Chairman Helen Tan na mahigpit na ipatupad ang Benefit Patient Notice.

 

Paliwanag ni Tan, ang benefit patient notice ay isang liham na ipapadala ng PhilHealth sa mga myembro nito.

 

Dito ay nakasaad ang impormasyon ng hospitalization, halaga na ibinayad ng PhilHealth, sakit ng pasyente, at ospital kung saan ito naka-confine.


 

Sa pamamagitan nito ay malalaman ng pamilya o ng mismong pasyente kung magkano ang nabawas sa Philhealth at kung nagamit man ito sa confinement o kung sa dialysis.

 

Sakali namang mayroong reklamo laban sa Philhealth ay maaaring gamitin ang benefit patient notice bilang ebidensya kung napakinabangan ba ito ng benepisyaryo.

 

Bagamat hindi naman nairereport agad sa Philhealth at nailalagay sa kanilang system kung namatay na ang myembro nila, sa pamamagitan ng benefit patient notice ay mabilis na maipapaalam agad sa Philhealth kung namatay na ang myembro o nagamit ito sa maling transaksyon.

Facebook Comments