Inirekomenda ng Private Sector Advisory Council- Agriculture Sector Group ang paggamit ng biodiesel mula sa niyog partikular ang coconut methyl ester bilang isang alternatibong mapagkukunan ng enerhiya.
Ayon sa PSAC-ASG, ang paggamit ng biodiesel ay magbibigay ng economic benefits at makakatulong din sa pagbawas ng greenhouse gas emissions ng bansa hanggang sa 80% kumpara sa tradisyonal na diesel.
Sa pamamagitan ng pag-transition mula sa biodiesel blends na B2 patungong B5 sa susunod na tatlong taon, layunin ng rekomendasyon na bawasan ang dependency ng bansa sa foreign diesel.
Nabatid na target ng pamahalaan na mapabilis ang coconut replanting initiative kung saan para makapagtanim ng 100 million coconut tree bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.