Paggamit ng “biosimilar drugs” na may parehong bisa ng mga branded na gamot para sa mga may sakit na COVID-19, inirerekomenda ng isang kongresista

Isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang paggamit ng “biosimilar drugs” o mga gamot na mas mura pero may parehong bisa tulad ng mga branded o mahal na gamot.

Sa House Bill 9261 o Biosimilar Bill ay layunin nitong mabigyan ng alternatibong mapagpipilian at abot-kayang gamot ang publiko para matugunan ang patuloy na pagtaas sa singil at gastos sa ospital dahil sa COVID-19.

Kung magkakaroon aniya ng sapat na kaalaman ang publiko sa gamot na may kaparehong generic names ay makakapili sila ng mas mura at lalakas rin ang price competition ng pharmaceutical providers.


Inaatasan din ng panukala ni Salceda ang Health Secretary na gumawa at maglabas ng educational materials tungkol sa mga gamot.

Inoobliga rin na magkaroon ng listahan ng biosimilar products na nakalagay ang presyo para mapagkumparahan ng mga consumers.

Facebook Comments