Paggamit ng body camera, magiging “Standard Operation Procedure” sa operasyon ng PDEA

Manila, Philippines – Magiging Standard Operating Procedure (SOP) na ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency ang paggamit ng body camera sa mga anti-illegal drug operations nito.

Ayon kay PDEA Public Information Office Chief Director Derrick Carreon, ito ay para maiwasan na ma-kuwestiyun ang integridad ng kanilang mga operasyon.

Katunayan, nagamit na nila ang mga body camera sa ginawa nilang operasyon sa bahay ni Maasim, Saranggani Mayor Aniceto “Jun” Lopez.


Sa ganitong paraan daw kasi makikita kung maayos ang ginawang operasyon ng kanilang mga tauhan maging ang mga insidente ng mga nanlalabang mga suspek.

Sa ngayon ay mayroon silang 48 body cameras na donasyon ng Philippine Chamber of Commerce and Industry bukod pa sa ilan na nasa kanilang imbentaryo.

Facebook Comments