Muling ipinaalala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng boga ngayong holiday season upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa mga residential at matataong lugar.
Ayon sa tanggapan, delikado ang paggamit ng boga dahil maaari itong magdulot ng pinsala, sunog, at iba pang panganib sa buhay, partikular sa mga bata at iba pang bahagi ng vulnerable sectors.
Dahil dito, hinihikayat ang publiko na iwasan ang paggamit ng mga mapanganib na paputok at pumili ng ligtas at responsableng paraan ng pagdiriwang upang matiyak ang payapa at masayang kapaskuhan para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









