Inirekomenda ni Iligan Rep. Frederick Siao ang paggamit ng mga Broadband Global Area Networks (BGANs) at Very Small Aperture Terminals (VSATs) upang ma-augment ang kinakailangang internet connection ng mga mag-aaral para sa online learning.
Ayon kay Siao, maaaring gamitin ang mga BGANs para mapalakas ang connection signal sa mga lugar na may blind spot o nakararanas ng traffic ang cell towers dahilan kaya’t bumabagal ang koneksyon.
Ang VSATs naman ay maaaring italaga sa mga isla, kabundukan at iba pang remote areas na mahina at mabagal din ang signal.
Paliwanag ni Siao, ginamit na ang BGANs at VSATs sa mga nakaraang automated election at ito ang isa sa posibleng solusyon para mabigyan ng mabilis na internet connection ang nasa 32 million na estudyante.
Nanawagan rin ang mambabatas sa mga mobile application developers na tumulong sa pagbuo ng mga online at mobile learning materials hindi lang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro, school managers at mga magulang.