Paggamit ng cannabis para sa migraine, inamin ng isang kongresista

Inamin ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na gumamit siya noon ng marijuana o cannabis para sa kanyang migraine.

Sinabi ito ni Villafuerte sa pagdinig ng Committee on Dangerous Drugs at committee on Health ukol sa pagsasalegal ng medical use ng marijuana.

Ayon kay Villafuerte, ang kanyang ginawa ay base sa research sa abroad at naging epektibo naman ito sa paggamot ng kanyang migraine.


Bunsod nito ay umapela si Villafuerte sa lahat na maging bukas sa cannabis bilang pang gamot sa ilang mga sakit.

Ikinatwiran pa ni Villafuerte na kung ikukumpara sa mga karatig bansa natin sa Asya ay nahuhuli na tayo sa paggamit nito.

Facebook Comments