Paggamit ng car seat para sa mga bata sa mga sasakyan, ganap nang batas

Manila, Philippines – Ganap nang batas ang panukalang Republic Act Number 1129 na nag-uutos na bigyan ng karampatang proteksyon ang mga bata sa loob ng sasakyan sa pamamagitan ng child restraint system.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang panukala.

Batay sa batas dapat ay angkop sa edad ng bata ang gagamiting child restrain system.


Inaatasan din ng batas ang Department of Transportation (DOTr) na gumawa ng mga panuntunan para matiyak ang kaligtasan ng mga sumasakay sa pampublikong sasakyan na mga may dalang bata.

Pinakikilos din ng bagong batas ang Department of Trade and Industry (DTI) na maglabas ng mga standards base sa nakatakda sa United Nations regulations na klase ng mga kagamitan para matiyak ang kaligtasan ng mga bata.

Kapag lumabag sa batas ay pagmumultahin ang driver ng P1.000 para sa first offense, P2,000  sa 2nd offense at P5,000 sa ikatlong opensa at maaari pang masuspinde ang drivers license ng isang taon.

Facebook Comments