Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Korte Suprema ang mahigpit na pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa loob ng lahat ng korte sa oras ng hearing.
Sakop ng memorandum order ni Chief Justice Diosdasdo Peralta ang pagbabawal sa pagggamit ng anomang uri ng electronic communication devices.
Ayon sa Chief Justice, ang nasabing kautusan ay nakapaloob sa kanyang ten-point program kaugnay ng isinasagawa niyang monitoring sa trabaho ng lahat ng korte kabilang na ang lower courts.
Layon nito na mapanatili ang maayos na proceedings at pagdinig ng bawat kaso at maayos na serbisyo publiko.
Facebook Comments