Paggamit ng Cellphone sa mga sasakay sa Public Transportation, Ipinagbabawal na

Cauayan City, Isabela- Ipinagbabawal na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 2 ang paggamit ng cellphone habang bumibiyahe sakay ng pampublikong transportasyon.

Ayon kay Regional Director Edward Cabase, hindi papayagan ang pagtawag gamit ang cellphone kahit nakasuot ng face mask ang isang indibidwal.

Giit ni Cabase, maliit kung titignan ang pagbabawal sa ‘unnecessary use of cellphone’ subalit malaki ang tulong nito para sa pag-iwas sa posibleng pagkalat ng virus.


Batay sa Memorandum, ipinag-uutos na rin ang pagsusuot ng face shield sa lahat ng sasakay sa mga pampublikong transportasyon maging ang mga driver at konduktor nito sa buong Lambak ng Cagayan.

Gayundin, hinihikayat maging ang mga tauhan na nasa Integrated Terminals na magsuot ng face mask at face shield.

Facebook Comments