Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase.
Ayon kay Education Undersecretary Anne Sevilla, simula pa noong 1999 ay ipinatutupad na nila ang Department Order 83 Series of 2003.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa oras ng klase sa elementarya at sekondarya dahil na rin sa madaling ikakalat ang mga malalaswang larawan gamit nito.
Kasabay nito, nanawagan ang DepEd sa mga magulang at sa mga guro na turuan ang mga kabataan sa responsableng paggamit ng cellphone
Bukod rito, tiniyak ni Sevilla na mahigpit rin nilang tinututukan ang no bullying policy sa loob at labas ng paaralan.
Facebook Comments