Cauayan City – Mahigpit na nagbabala ng Cagayan Valley Center for Health Development ang paggamit ng mga paputok na pasok sa Certified Philippine Standard.
Maliban dito, pinapaalala rin ng ahensya na bumili lamang ng mga certified na paputok sa mga registered dealers and retailers upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa paggamit ng mga paputok.
Matatandaang umabot na sa anim ang bilang ng naitalang Fireworks-Related Injury (FWRI) sa buong lambak ng Cagayan ngayong buwan ng Disyembre kung saan lahat ng ito ay dahil sa “boga” o ang improvised na paputok na gawa sa lata na o tubo.
Samanatala, sa kasalukuyan ay wala namang naitalang naputulan ng parte ng kanilang katawan dahil sa paputok, at wala ring naitalang kaso ng nakalunok ng paputok, o tinamaan ng ligaw na bala.
Patuloy naman na nagpapaalala sa publiko ang Department of Health Cagayan Valley na hangga’t maaari ay umiwas sa paputok at piliin na lamang na manood ng Fireworks Display upang hindi masangkot sa disgrasya.