Paggamit Ng Constituent Assembly Sa Pag-Amyenda Ng 1987 Constitution, Lusot Na Sa Komite Ng Kamara

13

MANILA – Lusot na sa kamara ang resolusyon sa paggamit ng Constituent Assembly bilang paraan ng pag-amyenda ng 1987 constitution tungo sa federalism.Sa botohan na ginawa ng House Committee On Constitutional Amendments, 32 ang bumoto ng pabor para sa Con-As na gamiting paraan sa pagbalangkas ng saligang batas habang pito naman ang tumutol at tatlo ang abstain.Dalawang beses pang nagsagawa ng botohan ang komite kung saan noong una ay viva voce pa ang ginamit na paraan ng pagboto pero kalaunan ay inulit at pinatayo na lamang ang mga kongresistang pabor at tutol sa Con-As.Sa ilalim nito ay magco-convene ang kamara at senado bilang Constituent Assembly na siyang bubuo ng bagong uri ng gobyerno alinsunod na rin sa isinusulong ng Duterte Administration na pederalismo.Hindi naman umubra ang pagtutol ng ibang kongresista sa nasabing botohan.Mas gusto ngayon ng liderato ng kamara ang Con-As dahil mas mabilis at mas matipid ang proseso kumpara sa Constitutional Convention na pitong bilyong piso ang gagastusin ng pamahalaan.

Facebook Comments