Paggamit ng COVID-19 vaccine booster shots, pag-aaralan ng experts panel – DOST

Masusing pag-aaralan ng Vaccine Experts Panel (VEP) ng Department of Science and Technology (DOST) kung kinakailangang turukan ng booster shots ang mga nakakumpleto na ng two-dose ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay VEP Chairpeson Dr. Nina Gloriani, ang pag-aaral ay hindi lamang limitado sa mga medical workers na naturukan ng Sinovac vaccines.

Aniya, maging ang Pfizer ay inirerekomenda ang ikatlong dose para sa kanilang bakuna.


Ang mga ganitong rekomendasyon ay mayroong implikasyon kaya hindi maaaring madaliin ang pag-aaral sa mga ito.

Kaugnay nito, umaasa si Dr. Gloriani na ang pag-aaral para sa safety at efficacy ng mixing at matching ng limang COVID-19 vaccines ay magsisimula sa lalong madaling panahon.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi pa inirerekomenda ng local health experts ang paggamit ng COVID-19 vaccine booster shots dahil wala pang sapat na batayan kung ligtas itong gawin.

Facebook Comments