Nagbabala si Vice President Leni Robredo na posibleng kaunti lamang na Pilipino ang nais magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ay kung pipiliin ng pamahalaan ang bakunang may mababang efficacy rate.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, kailangang ipaliwanag ng pamahalaan ang pagbili nila sa isang partikular na bakuna para mahikayat ang publiko na magpabakuna.
Mahalagang manapantili ang kumpiyansa at tiwala ng publiko sa bakuna.
Ang pahayag ng Bise Presidente ay sa gitna ng mga pangamba sa bisa ng Sinovac vaccine ng China.
Ang Sinovac ay nakatakdang maglabas ng pinal at kumpletong datos sa efficacy ng kanilang bakuna, na mas mahal kumpara sa Pfizer-BioNTech vaccine na may 95% efficacy at AstraZeneca vaccine na may 70% efficacy.
Facebook Comments