Tinalakay na rin sa Kamara ang mga panukala na magpapagaan at magpapabilis sa mga bayarin ng publiko.
Dininig sa House Committees on Banks and Financial Intermediaries ang pagsasabatas sa House Bill 7580 o Credit or Debit Card Tax Payment of 2020.
Sa ilalim ng panukala na ini-akda ni Parañaque Rep. Eric Olivarez, isinusulong na magamit ang parehong credit at debit card sa pagbabayad ng buwis.
Layunin ng panukala na makapagbayad sa oras ang mga taxpayers at maiwasan ang tax evasion.
Naniniwala rin ang may-akda ng panukala na mas ligtas gumamit ng card dahil sa mga safety features tulad ng One-Time Password (OTP) at sakali namang mawala ay pwede itong mapalitan agad.
Pero ayon naman kay Department of Finance (DOF) Undersecretary Antonette Tionko, nauna nang pinagtibay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng credit cards simula pa noong taong 2017.
Bukod dito ay nauna na ring pinalawig ng BIR ang iba pang pamamaraan ng pagbabayad sa buwis.