Naghayag ng pagkadismaya ang Pilipinas sa paggamit ng sobrang pwersa laban sa mga taong mapayapang nagpoprotesta sa Mayanmar.
Nabatid na nasa 114 na demonstrador ang napatay sa paggunita ng Armed Forces Day noong nakaraang linggo.
Sa statement ng Department of Foreign Affairs (DFA), nanawagan ang Pilipinas sa security forces ng Myanmar na magpigil at iwasang gumamit ng hindi makatarungang pwersa laban sa mga mamayan nito.
Mananatiling nakasuporta ang Pilipinas sa pagsusulong ng demokrasya sa Myanmar kabilang ang pagpapalaya kay State Counsellor Aung San Suu Kyi at iba pang elected civilian leaders na ikinulong nang ilunsad ang kudeta noong Pebrero.
Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi maaaring manghimasok ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa nagyayari sa Myanmar dahil sa “non-interference” policy ng regional bloc sa member states.