Paggamit ng dahas para sa pagbabago sa lipunan, hindi kailangan ayon sa apat na presidential candidates

Naniniwala ang apat sa top 6 na presidential candidates na hindi dapat gumamit ng dahas para magkaroon ng pagbabago sa lipunan.

Sa “Usapang Halalan 2022: The CBCP Election Forum,” sinabi nina Vice President Leni Robredo, dating Defense Secretary Norberto Gonzales, Sen. Manny Pacquiao at ka Leody De Guzman na kailangang alamin muna ang pinagmulan o mga hinaing ng mga ito upang masolusyonan sa maayos na paraan.

Dapat anilang unawain din ang mga Pilipinong inaapi lalo na ng isang gobyernong para lamang sa mga mayayaman.


Hindi rin daw matatapos ang karahasan kung patuloy na binabalewala ang mga hinaing ng mga Pilipino.

Facebook Comments