Paggamit ng Deep Well at Water Pump, pinalilimitahan pa rin ng NWRB sa harap ng kakapusan sa suplay ng tubig

Nanatili ang apela ng National Water Resources Board sa publiko na iwasan muna ang paggamit ng water pump at deep well.

 

Ito ay  kung mayroon namang sapat na alokasyon ng tubig na natatanggap na suplay mula sa mga water concessionaire.

 

Ito’y matapos na dumami ang  mga kabahayan na  nagpapakabit ng water pump sa Metro Manila at mga Deep Well sa mga karatig lalawigan upang magkaroon ng suplay ng tubig sa harap ng nararanasang kakapusan sa suplay nito.


 

Ayon kay NWRB Excutive Director Dr. Sevillio David, bagama’t pinayagan nila ngayon ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System na gamitin ang mga Deep Wells para pagkunan ng tubig dahil sa bumababang lebel ng tubig sa Angat Dam, sususpindehin muna nila ito.

 

Ito ay hanggang maibalik na sa normal ang lebel ng tubig sa Dam lalo’t malaki aniya ang magiging epekto ng Deep Wells sa pagbaba ng lupa o iyong tinatawag na siltation.

Facebook Comments