Paggamit ng digital signatures ng mga guro sa 2022 elections, walang dahilan para hindi maipatupad

Binigyang-diin ni Senador Imee Marcos na wala nang lusot ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para hindi buuin ang rehistrasyon ng libo-libong mga guro na bibigyan ng personal digital signatures para patunayan ang bilang ng mga boto sa Mayo 2022.

Sinabi ito ni Marcos, na siya ring Chairperson ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation kasunod ng limang taon nang pagkaantala sa pagrehistro ng mga guro para makakuha ng personal digital signatures na ipinangakong gagamitin sana noong 2016 at 2019 elections.

Ayon kay Marcos, naudlot ang rehistrasyon para sa mga digital signature dahil sa mga DICT hard-copy requirement sa mga guro, gayong ipinanukala na ng Department of Education (DepEd) ang bultuhang pagpoproseso ng verified personal data ng mga guro sa pamamagitan ng pagsusumite sa online ng Excel o Certificate Signing Request (CSR) files.


Diin ni Marcos, ang personal digital signatures ang papawi sa takot na imamanipula ng Smartmatic ang resulta ng eleksyon sa susunod na taon.

Facebook Comments