Wednesday, February 25, 2026

Paggamit ng drone para mabantayan ang maritime borders laban sa mga magpupuslit ng ilegal na sigarilyo, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng drone para palakasin ang anti-illegal tobacco operations na makapasok ng bansa.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., bukod sa paggamit ng drones sa pagsugpo ng marijuana ay malaking tulong din ito sa operasyon ng smuggled na sigarilyo na kadalasang idinadaan sa maritime borders.

Nabatid na noong nakaraang linggo, nakapag-ulat ng mahigit 300 milyong pisong halaga ng marijuana ang nasabat sa Cordillera sa tulong na rin ng paggamit ng drones.

Ayon pa kay Nartatez, mahalagang bahagi ng patuloy na modernization program ng PNP ang pagkuha ng karagdagang drone unit.

Kung saan layon ng PNP na tiyakin na ang bawat regional at provincial offices ay may kapasidad para palakasin ang mga operasyon nito.

Facebook Comments