Manila, Philippines – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang paggamit ng Maute Group ng drones.
Ayon kay WESMINCOM Commanding General, Lt. Gen. Carlito Galvez – ginagamit nito ng mga kalaban para ma-monitor ang kilor ng militar.
Aniya, nakarekober sila ng dalawang drones sa isa nilang operasyon maliban sa mga ilang armas.
Kumbinsido naman ang WESMINCOM na paubos na ang bala ng mga terorista dahil iniiwan na nila ang kanilang mga baril kapag inaabandona ang kanilang posisyon.
Facebook Comments