Paggamit ng drones sa mga lugar na pagdadausan ng 31st ASEAN Summit, bawal!

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bawal ang paggamit ng drones at Unmanned Aircraft Vehicle (UAV) sa gaganaping 31st ASEAN Summit.

Sa advisory na inilabas ng CAAP, sinabi nito sa mga operator at hobbyist na magiging mahigpit sila sa pagpapatupad ng no fly zone mula November 9 hanggang 17 sa Maynila at Clark sa lalawigan ng Pampanga.

Kauganay nito, nag-isyu na ang CAAP ng Notice To Airmen (NOTAM) na bawal ang drone operations sa sakop na 40 nautical miles radius centered sa Luneta Park at sa Clark DVOR (Doppler Very High Frequency Omni-Range).


Sa ilalim ng provisions ng Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR), ang mga operators na lumalabag sa rules of memorandum ay papatawan ng multang mula P300,000 hanggang P500,000 pesos depende sa paglabag sa naturang kautusan.

Facebook Comments