Itinutulak ni Pangulong Bongbong Marcos ang paggamit ng electric vehicle sa bansa bilang pampublikong transportasyon.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Energy Usec. Felix William Fuentabella, na inatasan ng pangulo ang Department of Energy (DOE) at iba pang ahensya ng pamahalaan na pabilisin ang implementasyon ng action plans at estratehiya para mapaunlad ang industriya ng E-vehicle sa bansa.
Kabilang dito ang pagpapalakas ng local manufacturing ng EV at ang battery charging mechanisms nito.
Pinatututukan din ng pangulo sa DOE na pagkuha ng suporta sa acquisition ng E-vehicle sa pamamagitan ng mga commercial fleets tulad ng government o private company cars at public transportation fleets para maging mas simple at episyente ang maintenance at battery charging.
Kaugnay nito, ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagpapatibay ng financial schemes upang mas mapadali ang pagkuha ng EV fleets.