Paggamit ng e-vehicle bilang pampublikong transportasyon, mas matipid kumpara sa tradisyunal na sasakyan

Mas makakatipid pa rin ang publiko sa paggamit ng electric vehicle kahit pa mas mahal ang upfront cost o halaga ng pagbili rito.

Ito ang inihayag ni Energy Undersecretary Felix William Fuentabella sa Malacañang press briefing.

Paliwanag ni Fuentabella, ang upfront cost ng e-vehicle ay mas mataas ng 20%-50% kumpara sa presyo ng tradisyunal na sasakyan.


Kung ang isang tradisyunal aniya na sasakyan ay 2 million pesos, ang e-vehicle ay pwedeng maglaro sa 2.4 million hanggang 3 million pesos.

Pero sabi ng opisyal, 65% na mas mababa ang operating cost ng e-vehicle, at mas malayo rin ang itinatakbo nito kumpara sa mga sasakyang naka-diesel o gasolina.

Bukod dito, kayang tumagal ng pito hanggang walong taon ng baterya nito bago ito kailanganing palitan.

Mas malaki rin ang nakikitang kita dito partikular na kung gagamitin ito sa pampublikong transportasyon.

Facebook Comments