Paggamit ng e-vehicles at bisikleta, inirerekomenda ng economic team ng pamahalaan sa gitna ng mataas na presyo ng langis

Inirerekomenda ng economic team ng pamahalaan na gumamit ng iba’t ibang paraan ng energy conservation o pagtitipid sa enerhiya.

Ito ay bilang tugon sa patuloy na pagtaaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, dapat isulong ang paggamit ng bisikleta at electronic vehicles at tanggalin ang taripa sa mga e-vehicle na ngayon ay nasa 30%.


Samantala, aminado naman si Lopez na hindi kaagad maipapatupad ang mga hakbang na ito dahil kailangan pang magpasok ng mga e-vehicle sa bansa at maglagay ng mga charging station.

Facebook Comments