Paggamit ng electronic fund transfer at QR codes bilang payment scheme, mas pinapaunlad pa ng BSP

Mas pinapaunlad pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paggamit ng electronic fund transfer at QR codes bilang paraan ng pagbabayad sa mga business at government transactions.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, pinapalawig nila ang person-to-merchant payment scheme bukod sa person-to-person qr transaction na ginagamit ngayon.

Aniya, kasama sa kanilang framework ang request to pay service kung saan maaaring mamili ng paraan ng pagbabayad ang kliyente o konsumer.


Tiniyak naman ng BSP na hindi lang malalaking negosyo ang makikinabang dito kundi pati na rin ang maliliit tulad ng mga sari-sari store.

Facebook Comments