Paggamit ng face shield, panahon nang ipahinto ayon sa ilang mga senador

Sinuportahan ng ilang senador ang plano ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na imungkahi sa Inter-Agency Task Force (IATF) na alisin o paluwagin na ang patakaran sa mandatory na paggamit ng face shield.

Ayon kay Sen. Joel Villanueva, panahon na para seryosong ikunsidera ang paghinto sa paggamit ng face shield.

Ikinatwiran pa ni Villanueva na hindi rin naman napatunayan na epektibo ang face shield sa pagpigil ng pagkalat ng COVID-19.


Giit naman ni Senate President Vicente “Tito” Sotto, noon pa niya kinukwestyon ang paggamit ng face shields sa bansa.

Diin ni Sotto, bukod sa dagdag itong gastos ay halos ang Pilipinas lang ang bansa na gumagamit ng face shields.

Sa kasalukuyang patakaran, obligado pa rin ang pagsusuot ng face shield sa Pilipinas sa tinatawag na “3 Cs” na kinabibilangan ng closed spaces, crowded areas at close-contact settings.

Facebook Comments