Pinapahinto na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang obligadong pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar at halip ay sa mga ospital na lang ito gagamitin.
Inihayag ito ni Senate President President Tito Sotto III.
Ayon kay SP Sotto, sinabi ito ni Pangulong Duterte kagabi ng magkaharap sila sa Malakanyang kasama si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri para sa pulong ukol sa mahalagang mga panukalang batas.
Kwento pa ni SP Sotto, hawak niya ang kaniyang face shield ng banggitin ni Pangulong Duterte na abala ang face shield kaya sa buong pulong kagabi ay wala silang suot na face shield.
Dagdag ni SP Sotto, binanggit din nila ni Zubiri kagabi kay Pangulong Duterte na ang Pilipinas na lang ang nagpapatupad ng paggamit ng face sheild.
Dahil dito ay nanawagan si SP Sotto sa Department of Health na baguhin na ang patakaran ukol sa mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar.