Lilimitahan na ang paggamit ng face shield sa mga pampublikong lugar sa bansa
Sa ikalawang Talk to the Nation ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, sinabi nito na gagamitin na lamang ang face shield sa 3Cs areas.
Ito ay ang sarado, matatao at mga lugar na may aktibidad na nakikitaan ng close-contact.
Inatasan naman ng pangulo ang executive department na agad na ipalabas ang kautusan, upang maipatupad sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon, tanging ang Pilipinas lamang ang gumagamit ng face shield sa buong mundo kung saan una na ring sinabi ng World Health Organization (WHO) na hindi naman ito epektibo sa posibleng pagkahawa sa COVID-19.
Facebook Comments