Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pag-aralang mabuti ang paggamit ng digital identification system ng Philippine Immigration.
Partikular dito ang paggamit ng biometric data ng facial recognition o fingerprint.
Ayon sa pangulo, layon nitong matiyak ang maayos na proseso ang magiging travel ng mga biyahero.
Ginagawa na aniya ang ganitong sistema sa buong mundo kaya dapat na ring makipagsabayan ang bansa sa makabagong pamamaraan ng pagpapatupad ng Immigration measures at kung paano ito magagamit.
Gagawin lamang simple ang paglalagay ng system sa hardware at mula rito ay ang pagtuturo na sa mga kinauukulan kung paano gagamitin ang hardware.
Facebook Comments