Nananawagan ang grupo ng mga guro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa paggamit ng wika sa pagtuturo sa mga paaralan.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua, language barrier o ang hindi pagkakaintindihan dahil sa magkaibang lenggwahe ang pangunahing dahilan kung bakit laging nahuhuli ang mga mag-aaral sa ilang mga pagsusulit.
Partikular sa pagsusulit na ito ay ang Program for International Student Assessment at Trends in International Mathematics and Science Study.
Iminungkahi ng ACT na mas epektibong gamitin ang native language dahil mas lalong maiintindihan ng mga mag-aaral ang mga leksyon.
Matatandaang sinabi ni Marcos sa kanyang inagurasyon na dapat ituon ang pagtuturo ng “basics” sa mga paaralan at gamitin ang ingles bilang medium ng pagtuturo.