Paggamit ng Gadget sa ‘New Normal Learning’ ng mga Estudyante, Hindi Mandatory

Cauayan City, Isabela-Pangungunahan ng mga pampublikong paaralan na sakop ng Schools Division Office ng Cauayan City ang paglulunsad ng ‘Online Brigada Eskwela’ sa buong rehiyon dos sa darating na Biyernes, Hunyo 5.

Ayon kay School Principal Albert Perico ng Cauayan North Central School, inaasahan na rin ang posibleng malaking pagbabago sa tinatawag na ‘new learning’ para sa mga mag-aaral.

Bagama’t bago para sa lahat ang nasabing bagong paraan ng pagtuturo sa kabila ng pandemya ay may ilan aniyang mga magulang ang natutuwa rin dahil sa ilang alternatibong paraan ng pagpapatala sa enrollment ng kani-kanilang mga magulang.


Sa unang araw ng Hunyo, may mahigit 80 ang enrollee’s ng paaralan at inaasahan din ang posibleng karagdagan nito.

Sa kabila nito, hindi naman kinakailangan na gumastos ang mga magulang para bumili ng gadget na kakailanganin ng kanilang mga anak dahil amy ilan aniyang paraan na inihanda ang DepED para matugunan ang kahandaan ng mga mag-aaral.

Kabilang ang radio-based program, television at pagbibigay ng module sa mga mag-aaral na hindi na kinakailangan pang magtungo sa paaralan.

Maglalaan naman ang Lokal na Pamahalaan ng libreng radio transceiver na ipapamigay sa tinatayang 10,000 mag-aaral sa lungsod.

Hinikayat naman ni Perico ang mga magulang na sila ang may malaking hamon para sa tuloy-tuloy na paghikayat sa kanilang mga anak sa pag-aaral.

Facebook Comments