Isinusulong ngayon ng Department of Health – Ilocos Center for Health Development (DOH-CHD) ang paggamit ng mga generics na gamot ng mga mamamayan kapalit ng mga may tatak o branded na mga gamot.
Sinabi ni Farida Espina DPH-CHD 1 pharmacist na pareho ang ingredients na inilalagay sa mga generics at mga branded na gamot at pareho din sa bisa.
Aniya pa sakaling gagamit ng mga generics na gamot magkakaroon anila ito ng malaking tipid sa binabayarang branded na gamot.
Makakatulong ang mga generics na gamot sa mga mamamayan upang hindi gumastos ng napakalaking halaga.
Samantala, sa datos ng FDA, nasa 80-85% na mas mababa ang presyo ng generics kumpara sa may tatak na gamot.
Sa kabilang banda, sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang Pangasinense na natatakot anila sila na baka ang mabili nilang generics na gamot ay walang bisa at baka doon pa umano sila malugi dahil hindi ito branded.
Paliwanag pa ng mga ito kahit anila mahal ang presyo ng branded sigurado naman umano sila sa bisa nito.
Paglilinaw ng awtoridad na pareho lamang ang bisa ng mga ito at ligtas na ligtas na gamitin.
Ngayon buwan ng Setyembre, ipinagdiriwang ang Generics Awareness month na may temang “kalusugan ay palakasin, generics ay ating tangkilin”. |ifmnews
Facebook Comments