PAGGAMIT NG GEOHAZARD MAP, IBINILIN NI PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

CAUAYAN CITY – Ibinilin ni Pang. Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. sa lahat ng lokal na pamahalaan ang paggamit ng geohazard map.

Ang nasabing hakbangin ay upang matukoy ng mga opisyal ang mga lugar na may banta ng flashfloods at landslides.

Ito rin ang ginagamit ng mga ahensya sa pagtukoy ng mga lugar na may banta ng volcanic eruption at earthquake.


Kung matatandaan, nagresulta sa pagbaha at landslide ang malalakas na ulan na dala ng mga sunud-sunod na bagyong tumama sa Rehiyon Dos.

Facebook Comments