Paggamit ng gobyerno ng simpleng wika at lokal na lengwahe, isinulong sa kamara ngayong “Buwan ng Wika”

Kasabay ng pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” ngayong Agosto ay isinulong ni House Deputy Majority leader at Quezon City Rep. Patrick Michael Vargas ang paggamit ng gobyerno ng simpleng wika at lokal na lengwahe.

Nakapaloob ito sa inihain ni Vargas na House Bill 2880 o panukalang Plain Language for Public Service Act.

Iniuutos ng panukala ni Vargas ang paggamit ng pamahalaan ng simpleng wika at lokal na “mother tongues” sa mga pangunahing dokumento tulad ng application forms, health bulletins, mga gamit sa eleksyon, mga abiso patungkol sa kalamidad, at mga anunsyo sa barangay.

Ipinunto ni Vargas na sa dami ng iba’t ibang lengguwahe sa ating bansa, napakahalaga ng ang mga impormasyon at mga transaksyon mula sa gobyerno ay lubos na naiintindihan ng mamamayan.

Tiwala si Vargas na kapag naisabatas ang kanyang panukala ay mas mapalalakas ang tiwala ng publiko sa pamahalaan at mas dadami din ang makikinabang sa serbisyo nito sa taumbayan.

Facebook Comments