Paggamit ng HealthGuard App, Aarangkada na sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Pormal nang inilunsad ang paggamit ng HealthGuard app na layong mapabilis ang gagawing contact tracing ng pamahalaan laban sa COVID-19 virus.

Inihayag ni Sangguniang Panlalawigan Committee Chair on Health and Sanitation Emmanuel Joselito Añez na kailangang palakasin ang hakbang sa gagawing contact tracing at pagbabantay para mapagaan ang pagkalat ng COVID-19.

Aniya, mas mabilis umanong manunumbalik ang sigla ng Isabela sa paggamit ng HealthGuard App.


Inihayag naman ni Provincial Administrator Atty. Manuel Lopez na malaki ang kaibahan ng application na ito kumpara sa Staysafe at S-Pass app na una nang ginagamit ng pamahalaan sa pagsasagawa ng contact tracing.

Ayon sa kanya,maaaring magamit ang application ng mga taong walang gamit na gadget dahil maaari itong mai-print kalakip ng mga impormasyon na nilalaman ng Quick Response o QR code.

Samantala, sinabi naman ni ISU system Presidente Dr. Ricmar Aquino na ang HealthGuard app ay may kakayahang makapag-assess ng mga impormasyon para sa mas epektibong gagawing desisyon ng mga magpapatupad ng polisiya.

Personal namang tinanggap ni IPPO Provincial Director PCol. James Cipriano ang laptop,scanner at wifi connectivity na gagamitin sa lahat ng border checkpoint kabilang ang Cordon checkpoint, San Pablo, Santa Maria, San Agustin, San Mateo, Ramon, Roxas, Lepanto, Quezon at Abut, Quezon.

Sinimulan na ring magamit ang naturang app na nakahanay sa PGSO, PSWDO, GFNDy Hospital, Cauayan District Hospital at Echague District Hospital.

Facebook Comments