Wednesday, March 25, 2026

PAGGAMIT NG HYDROPONICS SA BACKYARD GARDENING, PINAG-AARALAN BILANG SUPORTA SA NUTRISYON SA MGA KABAHAYAN SA BAYAMBANG

Pinag-aaralan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT) ang paggamit ng hydroponics sa backyard gardening bilang suporta sa nutrisyon ng mga kabahayan sa bayan.

Isa ito sa mga tinalakay sa first quarter meeting ng Social Sector ng bayan bilang bahagi ng pagpapalawak ng pagtatanim sa bakuran, kabilang ang pamamahagi ng mga punla at pagtatayo ng greenhouse malapit sa Animal Shelter.

Layunin nito na matiyak ang sapat at masustansyang pagkain para sa bawat pamilya.

Ayon sa pulong, ang hydroponics ay nakikitang epektibong paraan upang mapalago ang produksyon ng gulay sa limitadong espasyo, habang pinapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga residente.

Nakatakda namang ipagpatuloy ang iba pang mga programang pangkabuhayan, edukasyon, at social protection bilang bahagi ng suporta sa mga kabahayan sa Bayambang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments