Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pinatigil na ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng Hydroxychloroquine sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ang naturang gamot kasi ay para lamang sa mga pasyenteng may malaria.
Pinabulaanan din ng DOH ang kumakalat na balita hinggil sa aerial spraying o aerial disinfection na mapanganib sa kalusugan ng tao.
Nilinaw din ng DOH na hindi “immunity passport” ang COVID test.
Ang sino man aniyang nagnegatibo sa COVID test ay hindi pa rin ligtas sa virus kapag hindi nag-ingat.
Muli ring nagpaalala ang DOH sa publiko na pangalagaan ang mga nakatatanda lalo na’t karamihan sa mga tinatamaan ng COVID-19 ay 60 years old pataas.
Facebook Comments