Paggamit ng IEDs, bahagi na talaga ng opensiba ng rebeldeng CPP-NPA, ayon sa dating miyembro nito

Ibinahagi ng isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kaniyang naging karanasan bilang dating rebelde.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Ka Angel na may mga eksperto talaga sila na marunong sa paggamit ng landmines at Improvised Explosive Devices (IED).

Matatandaang inako ng New People’s Army ang responsibilidad sa pagkasawi ng dating atleta ng Far Eastern University (FEU) na si Keith Absalon at pinsan nito sa Masbate.


Ayon pa kay Ka Angel, 2010 nang magsimula silang gumamit ng IEDs at kadalasang ginagamit ito bago sila magsagawa ng opensiba kagaya ng pag-ambush.

Samantala, nagpapasalamat naman si Ka Angel na nahuli siya dahil malaking pagbabago na rin ang nangyari sa kaniyang buhay.

Facebook Comments