Paggamit ng iisang database system para sa vaccination card, isinusulong

Umapela ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa pamahalaan na magpatupad ng unified database ng mga vaccinated individuals para sa mas mabilis na beripikasyon ng mga Local Government Units (LGU).

Ayon kay ULAP National President Quirino Gov. Dakila Carlo Cua, ang vaccination cards ay dapat gawing simple, accessible at mabilis ang database ng mga nabakunahan para makatulong sa beripikasyon ng vaccine cards kontra pamemeke.

Aniya, pinag-aaralan na din nila kung puwedeng gamitin ang mga card sa ilang piling aktibidad.


Kasabay nito, hinimok ni Cua ang mga LGU na magkaroon ng database ng RT-PCR tests para sa pagpapatupad ng travel protocols.

Kung may database aniya ng test results tulad ng text messaging system ay mas magiging mabilis ang beripikasyon.

Facebook Comments