Nasa 7 hanggang 8 araw ang period of recovery ng mga pasyenteng may COVID-19 na gumamit ng Lagundi bilang gamot.
Ito ang inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) matapos ang isinagawang clinical trials sa 278 na pasyente mula sa iba’t ibang quarantine facilities.
Kasunod nito, sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña sa interview ng RMN Manila na mas mabilis din na nawala ang mga sintomas ng mga pasyenteng nakakaranas ng mild symptoms kagaya ng ubo, sipon at lagnat.
Pero sa ngayon, sasailalim pa lamang sa analysis ang gagawing pagmo-monitor sa mga pasyenteng COVID-19 positive sa pamamagitan ng RT-PCR tests upang matukoy kung epektibo ang lagundi para mapigilan ang virus.
Facebook Comments