Direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kaukulang ahensiya ng gobyerno na gamitin ang lahat ng available na legal na paraan para makontrol ang presyo ng bigas.
Sa isinagawang sectoral meeting sa Malacañang kahapon, inihayag ng presidente ang kaniyang pagkabahala sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa mga palengke.
Ilan sa nakikitang dahilan ng pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng sapat na suplay ay ang hoarding, epekto ng sunud-sunod na bagyo sa nakalipas na buwan at ang presyong ipinapataw ng middlemen.
Pinasisiguro rin ng pangulo sa mga kaukulang ahensiya ang iba pang suporta para sa mga magsasaka at traders.
Ipinaaral din ng pangulo ang posibilidad na mai-donate ang mga makukumpiskang smuggled na bigas sa DSWD, upang maipamahagi sa mga nangangailangan.