Manila, Phlippines – Welcome sa pamunuan ng National Capital Region Police Office ang gagawing aksyon ng gabriela party list na paimbestigahan sa kongreso ang ginawang paggamit ng Long Range Acoustic Device ng mga pulis kahapon nang magkagirian sa rally.
Pero paliwanag ni NCRPO Chief Oscar Albayade, na bahagi ng ipinatutupad na seguridad at pag papanatili ng peace and order ang paggamit ng nila ng LRAD sa rally.
Nakakahiya raw kasi kung makakarating sa PICC ang mga raliyista at magkaroon ng gulo lalot nasa bansa ang ilang world leaders at ASEAN delegates.
Giit pa ni Albayalde matagal na nilang ginagamit sa rally ang LRAD, posible aniyang gumagawa lamang ng isyu ang mga militanteng grupo nang makita nila kahapon na gumamit ng LRAD ang mga pulis nang magkaroong ng tensyon.
Hindi rin naman daw mapanganib sa kalusugan ng tao ang paggamit ng LRAD at tanging nakaka-irita lamang ang tunog nito.
Sa huli bukas ang PNP sa anumang imbestigasyon lalot naninindigan silang trabaho lamang ang kanilang ginagawa.