Paggamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine, pwede ayon sa isang eksperto

Walang nakikitang panganib sa paggamit ng magkaibang brand ng COVID-19 vaccine.

Ito ang sinabi ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) Executive Director Dr. Lulu Bravo sa Laging Handa public press briefing.

Ayon kay Dr. Bravo, kahit wala pang pag-aaral, ay ginawa ito at wala namang nakitang masamang epekto o pinsala.


Nilinaw rin ni Dr. Bravo na wala pang gumawa na pag-aaral na pagsamahin ang dalawang bakuna ngunit dahil sa nakikitang kakulangan sa suplay ng COVID-19 vaccine, nag-iisip na ang ibang kumpanya na gumamit ng ibang brand.

Paliwanag pa niya, magkakatalo lamang sa magiging bisa kapag magkaibang brand ng COVID-19 vaccine ang ituturok.

Sa ngayon, umaarangkada na ang vaccination rollout ng bansa pero may problema pa rin sa suplay ng bakuna kontra COVID-19 dahil sa pakunti-kunti ang pagdating nito sa ating bansa.

Facebook Comments