
Itinuro sa mga magsasaka sa Alaminos City ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka sa isinagawang Technology Demonstration of Rice Varieties Field Day sa Tangcarang, MVC Techno-Demo Farm.
Layunin ng aktibidad na maipakita ang iba’t ibang uri ng binhi ng palay at makapagbahagi ng makabagong kaalaman at teknolohiya upang mapataas ang ani at kita ng mga magsasaka.
Pinangasiwaan ng City Agriculture Office ang naturang aktibidad kung saan ibinahagi ang mga epektibong pamamaraan sa pagpili ng binhi at paggamit ng teknolohiya sa pagtatanim.
Dumalo rin ang kinatawan ng pamahalaang lungsod na nagpaabot ng suporta sa mga magsasaka at hinikayat ang patuloy na paggamit ng mga makabagong pamamaraan sa agrikultura.
Patuloy naman ang programa ng lokal na pamahalaan sa pagtataguyod ng mga inisyatibo upang mapaunlad at masuportahan ang sektor ng agrikultura sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










