Sa botong pabor ng 215 kongresista ay inaprubahan na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang paggamit ng natural gas bilang kapalit ng coal sa paggawa ang kuryente.
Ito ay ang House Bill 8456 o Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act na nagtatakda ng pagtatayo ng Philippine Downstream Natural Gas Industry para sa mas malawakang paggamit ng mas ligtas at malinis na natural gas.
Nakapaloob din sa panukala ang paglalatag ng mga polisiya upang mapalitan ng natural gas ang fossil fuel na ginagamit ng mga kasalukuyang planta.
Inaatasan ng panukala ang Department of Energy (DOE) na maangasiwa at magbantay sa implementasyon ng Philippine Downstream Natural Gas Industry gayundin sa mga itatayo at operasyon ng natural gas pipeline at mga kaugnay na pasilidad.
Sa ngayon, ay nasa 65 porsyento ng kuryenteng kailangan ng bansa sa kasalukuyan ay nalilikha gamit ang coal na umano’y may masamang epekto sa kalikasan dahil nakakadagdag sa paglikha ng acid rain, smog, at haze na nagdudulot sa tao ng mga sakit sa baga.